Napabalitang hiwalay na raw itong showbiz couple, at kakulangan sa oras daw ang dahilan. Madalas na hindi kapiling ni aktres ang kanyang asawang aktor dahil lagi itong out of town. Aminado si aktor na kulang siya ng oras sa kanyang pamilya, pero sana ay maintindihan daw ng aktres na trabaho ito at para sa kanilang pamilya. Matagal na ang ganitong problema at sinusubukan pa nilang maayos, pero ang latest na narinig namin, hindi na sila nagsasama dahil umalis na si aktres sa kanilang tahanan. Naiwan ang kanilang anak kay aktor at solo na itong inaalagaan ang kanilang anak. Ang huling kuwento ni aktor, iniwan siya ng aktres dahil sumama na ito sa kalaguyong tomboy. Matagal nang nai-involve si aktres sa isyung katomboyan pero nakalimutan na ito dahil nag-asawa na sila ng aktor. Ito na yata talaga ang sexual preference ni aktres kaya sa tibo pa rin ang ending niya.
source: abante
source: abante