Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Maraming salamat at naging successful ang round 1 ng pinag uusapan ng lahat ng Forums dito sa Pilipinas, ang Most Beautiful Eyes in Philippine Showbiz World. At ngayon, papasok na tayo sa finals kung saan, sampu sa mga pinili ninyo ang makakasali lamang sa seleksyon. Pinaka surprising sa lahat ng nasa top 10 ay ang tinaguriang "Diva ng Masa" na si Laarni Lozada na hindi maipagkakaila, umabot sa 150,000 ang boto, pumangalawa naman sa kanya ang ngayong binabansagang "Blockbuster Queen" na si Sarah Geronimo.

Nasa malayong boto ang ikatlo na si Maja Salvador, sinundan ni Angel Locsin at ang pang lima ay si Marian Rivera.

Kapansin pansin naman na walo sa sampung nakapasok sa top ten ay Kapamilya Stars, Si Marian Rivera at Nadine Samonte lang ang pinalad na makapasok sa Finals sa Kapuso Station.


FAQ:

Bakit nag reset sa Zero? Dahil po iyon sa mga complaints na natanggap namin galing din mismo sa inyo. Umabot ng 100 emails ang aming na recieve patungkol sa trend ng botohan. Ang pinakamainam na paraan na lang na naisip namin ay i-reset ang boto. Ngunit, gusto naming sabihin na hindi naman nasayang ang boto ninyo, dahil nakapasok naman ang inyong paboritong artista sa finals.

Sa lahat ng mga hindi pa nakakaboto, I Click lamang ito. Simula na po ngayon, January 13, 2009 ang botohan para sa Finals at magtatapos sa February 12, 2009.