Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

NASA Amerika na ngayon si Juday, at nga­yon pa lang, nagdara­sal na ang mga fans niya na sana ay magkaroon ng magandang resulta ang gagawin niya roon para sa Ploning.


Puspusan na nga ang kampanya na ginagawa nina Juday ngayon doon para sa Ploning na makapasok sa Oscar.


Pero, palagi ko namang sinasabi kay Juday, na kahit hindi makapasok sa Oscar si Ploning, ang importante ay nag-effort siya, na ipinakita niya na kaya niyang isakripisyo ang ibang mahahala­gang bagay sa buhay niya, para makatulong lang sa mo­vie industry.


Paulit-ulit ko ngang sinasabi na kung saka-sakali ay napakalaking karangalan ang ibibigay ng Ploning ni Juday sa Pilipinas.


Anyway, narito ang email ni Felie Cayanan na patuloy na ipinagdarasal ang kanyang idolo.


“Dear Tito Alfie, sana ay magkaisa ang mga Pili­pino na magdasal para maging positive ang lakad ni Juday sa Amerika.


“Alam nating mahirap ang gagawing laban ni Juday, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, at hindi talaga tayo dapat mawalan ng pag-asa, na suwertehin si Juday.


“Pero like I said, kahit hindi man makapasok sa Oscar ang Ploning, dapat pa rin nating ikarangal si Juday. Siya lang yata ang artista na gumawa ng ganito, na talagang naghirap siya, at sabihin na natin na kinapalan niya ang mukha niya para makalikom ng pera, para lang sa isang pelikula.


“Sige po, ipagpatuloy natin ang pagdarasal para kay Ploning.”


source- Alfie Lorenzo, Abante Tabloid