Matapos ang pag pro-propose ni Ryan Agoncillo kay Judy Ann Santos, napabalita naman na ngayong taon na ang kasal nila. Medyo nadulas kasi ang kanilang common friend na si Dominic Ochoa sa isa niyang interview sa TV kaugnay sa kanyang pagpapakasal din sa kanya girlfriend.
Aasahan daw ng lahat na magiging simple lang ang kasalan dahil ang gusto daw ni Judy Ann at Ryan ay ilaan ang dapat sana ay gagastusin sa kasal, eh sa kanilang dream house na lang nila ilalaan,
Maugong naman ang chismis na ilalayo ng dalawa ang venue ng kasal para walang fans na makapunta. For sure kasi, pag sa Quezon City lang nila gagawin ang venue, baka magmukhang karnabal ang kasal nila.
Malayo kasi na mapakiusapan ang mga fans na hindi magpunta o sumilip man lang sa venue dahil bukod sa siguradong star-studded ang kasal, eh lahat ng fans ni Judy Ann pupunta, eh sandamukal ang fans niya diba. Stay tuned na lang tayo kung kelan magaganap ang kasalan.