Maraming issue ang bumabalot kay Willie Revillame dahil sa pagkakasangkot sa maraming mga alegasyon kaugnay sa kanyang noontime show na Wowowee. Kabilang na sa mga paratang sa host at sa show nito ay ang mga pandaraya. Pero pinatunayan ni Willie Revillame na hot property pa rin siya matapos mga sold out ang Yes! Magazine issue kung saan siya ang tampok na istorya.
Matapos mailabas ang issue, nag sold out na agad ito kaya kinailangan nila na magre print ng dagdag na 10,000 na kopya. Ngunit nabenta agad ang sampung libong kopya kaya naman nagdesisyon ang Summit Publishing, ang may hawak ng Yes! magazine, na mag reprint uli ng dagdag na 15,000 na kopya.
Ang unang dami ng kopya na nailathala ay humigit kumulang na 130,000. Sumatotal, 160,000 na kopya na ang naibenta.
Kabilang sa mga artikulo at larawan na nailabas sa nasabing issue ay ang mga bahay at ari arian ni Willie Revillame.