Isang Maling Akala…
Sa totoo lang, Saturday morning pa lang, alam ko na ang patutunguhan ng nabiting tribal council last November 7, 2008. Kasi feeling ko talaga iba na rin ang bonding ni Kaye at Cris. Maniwala kayo sakin, starting that day, Cris and Kaye’s alliance will be as strong as the strongest chemical bond. Hehehehe.. mettalic bond ba yun? ay Chemistry? Hahaha.. Anyway, kitang kita din natin ang pagbubunyi ni Marlon dahil gumana ang kanyang “evil” plan to stay in the game.
Napakaraming violent and sarcastic reactions na nanggaling sa inyong mga ka-tribo. Nagulat ako. For the first time since nag start ang Balitang Virgin Island last October 1, 2008. First time lang akong naka recieve ng 511 personal messages and e-mails combined. Yung iba medyo pare pareho pero Salamat dahil nakita ko na marami talagang ka-tribo at marami din ang sumusubaybay sa updates ko.
At sabayan pa ng isa na namang twist na siguradong mas magpapakulay sa Survivor Philippines, at yun nga ay ang Black Pearl. Ang Black pearl ay binigay ni Kiko kay Rob. Ang black pearl ay sumisimbolo ng isang boto para sa susunod na tribal council. At kung mawala man ni Rob ang nasabing perlas, magiging 2 votes ang makukuha niya sa next tribal council. Mukhang kailangang manalo ni Rob sa susunod na tribal council at baka kung hindi eh sigurado na ang kanyang pagkatanggal. Maisipan kayang nakawin ni Marlon yung pearl? Hahaha… tingnan natin.
Madami rin akong nakuhang reaksyon sa pagiging bastos umano ni Marlon. At yun nga ay ang pakikipag away nito kay Nanay Zita, Marlon naman! bat pati matanda aawayin mo. Alam mo, naiintindihan ko yung gameplan mo, pero yung pambabastos mo sa matanda, ay grabe ka na! Wala ka bang Values Education nung Highschool?? Don’t tell me, evil plan mo pa rin yan at kasama yan sa schematic plan mo? Aba, hindi na schematic plan yan, “Demonic Plan na yan” Napapalibutan ka na ng demonyo sa paligid mo bro! Don’t worry, maraming nagdadasal for you.
To tell you honestly, i “tried” to understand Marlon, but when I saw the next teaser na nakikipag away na siya sa matanda, ay nako! Bat pati pakikipag away sa matanda eh gagawin mo just to win the game. Wala ka bang magulang? or lola? Haay… yoko na! Sana hindi ka manalo Marlon. Kasi pag nanalo ka, parang nanalo na rin ang “kasamaan”
Actually, sa lahat ng nagtatanong kung kelan lalabas yung Episode 24, habang tina type ko to eh ina upload ko na yung Ep.
Gusto ko rin pasalamat sa lahat ng mga nag message at sa lahat ng mga nanonood ng Survivor Philippines saka siyempre sa Balitang Virgin Island. Sayang malaman na nakaka entertain yung show namin sa inyo. Hehe..
Sa lahat ng mga dotcomers (mga tumatambay sa survivor.com) salamat pala ha! First time ko kahapon na nakausap kayo! Astig kayo.. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap. Sana magawa na yung original site nyo. Dami nyo na kasi, ayan tuloy, nag crash.
Sa lahat ng mga di pa nakaka alam ng Survivor.com, unavailable pa yung Original site coz nag crash nga, punta kayo sa site na to :
http://spdotcomers.blogspot.com/
Sa Thursday eh babalik na sila sa original site nila. Makitambay tayo dun ha…
Maraming salamat, panoorin nyo yung Episode 24 ha! Marami kayong makikita dun na hindi nyo pa nakikita sa previous episode. Hehehe
Mabuhay ang lahat ng mga Ka-Tribo.








