Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Kinumpirma na nga na hindi na nga tuloy ang paglipat ni Diether sa GMA 7 ayon sa kolumn ni Jun Nardo sa Abante. Hindi naman daw sa umatras ang aktor sa kontrata pero may sagabal daw kasi sa kontrata ni Diether sa ABS-CBN kaya hindi siya tumuloy. Nakatakda na pala sana na mag shoot ni Diether ng plug sa GMA 7 pero hindi na ito tinuloy. So it means na gustong gusto na talaga ni Diether na lumipat ng istasyon pero hindi pa pwede. So ganun din yun, pag naayos na ang problema sa kontrata niya eh lilipat din siya. Pero marami pa ang pwedeng mangyari. Maaring mag offer ang ABS-CBN sa kanya ng mga shows para hindi na siya lumipat or what. Ganun din kasi ang nangyari nung kay Ai Ai Delas Alas nun diba? Muntik na rin siya tapos nag offer ng plenting plenty ang Kapamilya Network. Well, tingnan natin kung anung mangyayari sa issue na to.

Isa lang ang masasabi ko sa mga yan! Ang gulo ng life nila! haha. Buti pa sa Youtube, walang kontrata. ;)