Parang Emo yung Account ko! Walang Friends..

Nagulat tayong lahat kasi nung unang beses, hindi ma access ang website nila, then after few hours, accesible na yung site, pero dami naman sira. Yun nga, walang natirang friends, or kung may friends naman, hindi ma access yung profile nila, naka private, Haha! Ang junget! Emong- Emo yung mga account natin, haha.
Ang sabi ng friend kong chismoso, may nasira daw na system sa USA. Ewan ko ba! Basta basura na ang Friendster. Try nyo, diba pag nagpalit kayo ng profile picture or kahit ano, kahit mag comment eh ang bagal ng display or change? Chaka talaga! Hay naku!
Wish ko lang talaga, ibenta na nila yang company nila. Much better siguro kung Google ang makabili. Wow! Ganda siguro ng Friendster pag Google ang nakabili. I can imagine! Mas matindi pa siguro sa Facebook! Hehe.

