Confirmed na nga na si Heart Evangelista ang ka halili ni Marian Rivera pagdating sa ratings! Lumabas na kasi ang latest tv ratings for November 24 to 27, 2008. At nanguna sa karera ang pinakabagong soap ni Heart na Luna Mystica! Ang Luna Mystica ang ipinalit sa katatapos lang na Codename: Asero, kung saan nakasama niya si Richard Gutierrez. Kapansin pansin na consistent ang Luna Mystica sa Number 1 spot. Mukhang sinuswerte talaga itong si Heart kasi simula ng lumipat siya ng GMA 7 eh umarangkada talaga ng husto yung career niya.
Ang pinakamataas na ratings na nakuha ng Luna Mystica ay nung November 24, 2008 kung saan naka abot ito ng 40%. Hindi rin naman nagpahuli ang Gagambino na consistent din na nasa Number 2 at ang La Lola, 24 Oras at Survivor Philippines na naglalaro sa ikatlo at ikaapat na puwesto. Well, tingnan niyo na lang ang ratings ng top 5 primetime shows from November 24 to 27.
November 24, 2008
Primetime:
1. Luna Mystica (GMA 7) - 40.2%
2. Gagambino (GMA 7) - 37.9%
3. La Lola (GMA 7) - 35.6%
4. Survivor Philippines (GMA 7) - 32.1%
5. 24 Oras (GMA 7) - 29.7%
November 25, 2008
Primetime:
1. Luna Mystica (GMA 7) - 37.4%
2. Gagambino (GMA 7) - 32.3%
3. 24 Oras (GMA 7) - 30.3%
4. Survivor Philippines (GMA 7) - 30.1%
5. La Lola (GMA 7) - 30%
November 26, 2008
Primetime:
1. Luna Mystica (GMA 7) - 35.7%
2. Gagambino (GMA 7) - 32.5%
3. La Lola (GMA 7) - 31.8%
4. 24 Oras (GMA 7) - 30.6%
5. Survivor Philippines (GMA 7) - 29.5%
November 27, 2008
Primetime:
1. Luna Mystica (GMA 7) - 37.5%
2. La Lola (GMA 7) - 33.3%
3. Gagambino (GMA 7) - 33.1%
4. 24 Oras (GMA 7) - 32.8%
5. Survivor Philippines (GMA 7) - 30.8%
Ang Top 5 Shows ng Primetime ay hawak pa rin ng GMA 7. Ang ratings na ito ay sa Mega Manila lamang.

