Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ploning Official Trailer

Masayang masaya si Judy Anne Santos matapos ang success ng kanyang recent event na "Damit Para kay Ploning" na layong makalikom ng pondo para magamit sa promotion ng kanyang pelikulang Ploning na top contender para sa "Best Foreign Language Film" category ng Oscars. Grabe na talaga ang success ng movie ni Juday na hindi naman pinansin ng ABS CBN noon at napilitan si Juday na sa GMA 7 magpromote dahil mas prinioritize ng Kapamilya station ang pelikula ni Aga Mulach at Anne Curtis na When Love Begins.
Ang Damit para kay Ploning ay isang auction ng mga damit at iba pang gamit na dinonate naman ng mga kaibigan ni Judy Anne sa industriya gaya ni Regine Velasquez, Marian Rivera, Ai-Ai Delas Alas at marami pang iba. Nakalikom sila ng malaking salapi na makakatulong sa dagdag na budget para sa promotion ng kanyang pelikula.
Nauna na dito ay ang suportang binigay ng Gobyerno na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos! Oh Diba? Ang taray! Kung sabagay, pag nanalo ang Ploning sa Oscars, buong bansa ang kasama sa tagumpay. Sana nga eh manalo si Judy Anne para naman makatikim na ang Pilipinas ng Oscar award! Pag nagkataon, magiging National Artist si Judy Anne in an instant! Mabuhay ka Judy Anne! Pag nanalo ang Ploning pagpaburger ka tapos magpakasal ka na rin para happy ever after na talaga ang eksena diba? Haha