Fan na fan kasi ako ni Marian. Ever since! Nung time na pang hapon pa lang ang show niya? Remember? Hehe. Kasi ka schoolmate ko before si Marian nung nag cross-enroll ako sa Dasma for one subject. Nakita ko na siya noon. Kaya nung nalaman ko na artista na talaga siya, aba natuwa ako siyempre!
Sabi ni Bob, ang ganda ng storyline, tapos yung pagkakadugtong dugtong ng mga scenes eh maganda. Yung tipong pag nanonood ka at may magandang part, parang gusto mong irewind. Sabi nga ni Bob, kung pwede lang daw niya i rewind yung movie sa sinehan ginawa na niya! Lalo na daw nung bed scene na ni Marian saka Dingdong haha!
Buti na lang at nasa Manila ako this December to watch the Finale of Survivor Philippines, sana nasa sinehan pa ang One True Love, hmm... 100% for sure aabot yan ng 4 weeks! Maganda daw eh!
Mga di pa nanonood, manood kayo! Support local movies!

