Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


NARITO ang ilang predictions ni Madam Suzette Arandela (psychic at feng shui consultant, cell# 0927-399-4826, na madalas mag-guest sa mga TV shows ng GMA 7) sa ilang showbiz personalities…



WILLIE REVILLAME: “Mananatili ang pamamayagpag ng kanyang Wowowee show, pero dapat niyang ingatan ang kanyang kalusugan dahil nakikita kong maoospital siya.
“Malamang na magkaroon siya ng surgery.
Prone pa rin siya sa scandals at mai-involve siya sa ilang mga artistang babae. Magkakaroon siya ng bagong pag-ibig.”

RICHARD GUTIERREZ: “Mananatiling pataas ang career niya kahit sino pa ang itambal sa kanya.
“Dadami pa ang kanyang endorsement. Mag-iingat lang siya sa pagmomotor. Ingatan niya ang kanyang left leg.
“Pagdating sa kanyang lovelife, wala siyang seryosong makakarelasyon, pero mas magki-click ang tambalan nila ni KC Concepcion. Mas madadalas ang kanyang pagta-travel.
“Mas magiging ok ang kalusugan ng nanay niyang si Annabelle Rama, pero mas dapat pang mag-ingat ang tatay niyang si Eddie Gutierrez sa kalusugan nito.”

KC CONCEPCION: ­“ Mas magniningning pa ang bituin. Magkakaroon ng regular TV show. Maghi-hit ang pelikula nila ni Richard (When I Met You).
“Malamang na mag-aral uli siya. May kinalaman sa art ang pag-aaralan niya.
“Mas gaganda ang relasyon nila ng amang si Gabby Concepcion, pero prone to sickness ang ama.”

SHARON CUNETA: “May darating na family problem, pero pagdating sa career, mananatiling nasa top pa rin, pero may slow month siya sa kanyang career sa buwan ng July at August.
“Mas magta-travel pa. Malamang na mag-soul searching.”

RUFFA GUTIERREZ: ­ “Hindi pa tuluyang natatapos ang istorya nila ni Yilmaz (Bektas). Madalas pa rin silang magko-communicate dahil sa mga anak nilang sina Lorin at Venice.
“Tungkol sa lovelife, may isang politician na maghahabol sa kanya.
“Career-wise, mas magiging ok siya at magkakaroon ng bagong pelikula at bagong TV show sa ABS-CBN.”

KRIS AQUINO: “Hindi tuluyang matatahimik ang relasyon nila ng mister na si James Yap. Mai-involve si James sa ibang babae, pero hindi sila maghihiwalay.
“Nakikita kong mahal siya ni James, pero madali itong matukso sa ibang babae.
“Ingatan niya ang anak na si Joshua dahil prone ito sa sickness.”

MARIAN RIVERA: “Kapag hindi nagbago ang attitude niya, magiging average lang ang kanyang career sa 2009. Malamang na mag-slow down ang kanyang career dahil sa kanyang ugali.
“May isang babaing sisikat ngayong 2009 na masasapawan siya.”

DENNIS TRILLO:­ “Magiging ok ang kanyang career. Babalik ang dating sigla ng kanyang career.
“Magkakaproblema lang siya sa babae. Isang showbiz girl at isang non-showbiz girl ang mai-involve sa kanya.
“Dapat na mag-ingat siya dahil malamang na makabuntis uli siya.”

HEART EVANGELISTA:­ “Mas gaganda ang lovelife. Hindi na talaga sila magkakabalikan ni Jericho (Rosales).
“Mas magki-click pa kung ibabalik ang tambalan nila ni Richard (Gutierrez).”



IVC Inc.



JC DE VERA: “Mas aangat pa ang career this 2009. Mas gaganda ang relasyon nila ni Rhian (Ramos).
“Magkakaroon pa ng maraming investments. Magta-travel din siya.
“May isang babaing galit pa rin sa kanya hanggang ngayon.”

VILMA SANTOS: “Malamang na magkaroon ng surgery na may kinalaman sa uterus, kaya dapat mag-ingat.”

NORA AUNOR: “Hindi pa rin makakabawi sa kanyang career. Marami akong nakikitang negative sa kanya.
“Tungkol sa pera, hindi pa rin maganda ang dating sa kanya at magpapatuloy siya sa paglipat-lipat ng tirahan.”

VIC SOTTO:­ “Mananatiling maganda ang relasyon nila ni Pia (Guanio). Patuloy na mamamayagpag ang kanyang career.
“Malamang na magpakasal ang isang anak niya at magkaroon uli siya ng anak.”

JOEY DE LEON: “Dapat careful siya sa kanyang health, lalo na sa kanyang heart.
“Kikita siya ng malaki sa pagpe-painting.
“May isang anak na naman siya na papasukin ang showbiz.”

RUFA MAE QUINTO: “Mababawasan ng intriga ang kanyang buhay at tatlong pelikula ang gagawin niya.
“Hindi pa rin niya mahahanap ang kanyang Mr. Right sa 2009.”

OGIE ALCASID: “Magpapatuloy ang kanyang tagumpay at mas gaganda ang relasyon nila ni Regine.”

REGINE VELASQUEZ: “Malamang na magkaroon siya ng accident sa isang malayong lugar. Malamang na ma-hospital sa August o September.”

GRETCHEN BARRETTO: ­ “Puro problema sa pag-ibig, pero hindi pa rin sila maghihiwalay ni Tonyboy (Cojuangco).”

PIOLO PASCUAL:­ “Hindi pa rin siya magkakaroon ng serious love relationship. Mas magta-travel.”

ANGEL LOCSIN: ­ “Babalik ang dating ningning ng kanyang bituin. Makakabawi ang kanyang career ngayong 2009.
“Mas magiging stable ang relasyon nila ni Luis (Manzano) this 2009.”

SAM MILBY: ­“Ingatan niya ang kanyang left leg. Malamang na magkabalikan sila ni Anne (Curtis).”

ANNE CURTIS: ­ “Tatanggap pa ng award. Magiging maganda ang lovelife.”

JOHN LLOYD CRUZ: ­“Magkakaroon ng bagong girlfriend.”

BEA ALONZO: ­ “May poor health problem. Mai-in-love sa isang non-showbiz guy, pero mag-ingat at baka mabuntis.”



Source: Jun Lalin, Abante