Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Sa tuwing napapanood ko or napapakinggan ko si Anthony Taberna, hindi ko maiwasan na mapansin ang galit nito kay Pangulong Arroyo kasama na rin ang lahat ng gabinete nito. Never ko yata narinig si Mr. Anthony Taberna na pinaboran si PGMA, even yung mga good deeds ni PGMA hindi nya type! Magaling si Anthony magbalita, catchy, pero obvious ang galit niya sa Administration.
Si Anthony Taberna eh napapanood sa Umagang Kay Ganda at may Radio show sa DZMM na Dos por Dos. Nasa Currrent events genre siya. Nagsabog ata ng katapangan eh sinalo lahat ni Mr. Taberna.
Lahat tayo siguro nagkaroon ng galit sa Pangulo. Pero yung sa kanya, to the highest level! Minsan nakakatawa at nakakatuwa, pero minsan nakakairita na. Hindi ko naman sinasabi na pangit ginagawa niya pero sana kung may maganda namang nagagawa ang kung sinong tao, dapat puriin din. Responsible journalism ang tawag dun.
Saka pansin ko din eh guwapo si Anthony ha! Hehe... Kaso may asawa na siya! Sorry na lang mga sisters!