Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
ISANG mayamang bading na taga-Amerika ang syota ng isang sikat na male singer sa Pilipinas.
Katunayan nang umuwi ito sa bansa kamakailan, kasama niya ang lover na mayamang bading na taga U.S. Kumain sila sa Shangrila Makati at doon na rin nag-check-in.
Ang initial ng name ng singer na ito ay ‘M’ na palaging ipinagpu-produce ng concerts sa Amerika at maging sa Pilipinas ng rich lover na taga-U.S.
Pero, balitang ngayon daw ay pubrisito na raw ang gay lover ni male singer dahil naubos na ang datung nito sa kapu-produce ng concerts na mga nalugi naman.
Ang masakit, hindi alam ng gay lover na taga-U.S. na may nililigawang kapwa male singer ang kanyang kinahuhumalingan.
Mabuti na lang at nabasted ito.