Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Ayon sa PEP. Tuloy na tuloy na ang plano na pelikula ng ex-couple turned friends na sina Chairman Edu Manzano and Batangas Governor Vilma Santos. Ayon kay Chairman Edu, may mga konting kundisyon pa na dapat ayusin sa gagawin nilang pelikula. Ngunit ayon naman sa ibang press, sigurado na daw ang pelikula at pla planuhin na kung kailan sisimulan ang proyekto. Dagdag pa ni Edu, bit-role lang naman ang gagampanan niya, kaya iniisip pa kung paano magiging maganda ang pasok nito sa pelikula.
Maganda na ang pagsasama ng dalawang dating mag asawa dahil na rin sa tulong ng kanilang anak na si Luis na pinaglalapit talaga sila. Nauna nang napabalita na may plano nang pakasalan ni Chairman Edu Manzano ang kanyang co-host sa Umagang Kay Ganda at real life sweetheart na si Pinky Webb. Ang kasal eh pinaplano na mangyayari sa third quarter of 2009.
Wow, kumusta naman kaya si Luis? tanggap na kaya niya si Pinky na maging step mommy? Kung sabagay, mukhang mabait naman si Pinky saka matalino naman. Keri na yun! Tutal balitang balita naman na masaya rin ang lovelife ni Luis with his rumored girlfriend na si Angel Locsin.