Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Nakakagulat ang balita na dapat pala, si Eugene Domingo ang role na napunta kay Ogie Alcasid sa Desperadas 2. Siya din dapat ang role ni Marian Rivera sa Shake Rattle and Role 10. So dapat, tatlo ang movie ni Uge (Palayaw in Eugene) this MMFF.
Ang isyu na naglabasan ay ang mataas daw na talent fee nito. Marami din ang nagsasabi na masyadong binabarat si Eugene kaya naman nagsalita na ito at nagpaunlak ng panayam sa PEP. Sinabi nito na hindi totoo ang tsismis na mataas ang hinihingi niyang talent fee, tama lang daw.
Wala naman daw siyang regrets lalo na sa Desperadas 2. Natatawa pa nga daw ito at naging maganda ang kinalabasan ng mga trailer ng Desperadas 2 at bagay na bagay kay Ogie ang role na nagportray bilang isang tunay na babae. Oh! So dapat siya ang first on screen kiss ni Carlo Guevarra, sayang! Haha...
Anyway, binabansagan naman ngayon na comedy queen si Uge na nakukumpara nito sa kasama niya sa cast ng Ang Tanging Ina nyong Lahat na si AiAi Delas Alas. Sinabi naman nito na title lang naman daw yun at kung may rason man yon para pag awayin sila ni AiAi, masaya daw siya sa friendship nila ni AiAi.