Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Ang All About Eve ay isang Korean Drama Series na ipinalabas sa Korea noong 2000 sa MBC Channel. Ang istorya nito ay umikot sa dalawang babaeng reporter na naglalaban sa pinakamataas na puwesto sa network kung saan sila nagtra-trabaho.

Samantala, matapos ang Success ng Ako si Kim Sam Soon ng GMA, nakatakda nilang gawin ang remake ng All About Eve na gagampanan ni Sunshine Dizon at Iza Calzado. Pinag-uusapan na ang remake na ito dahil matapos ang ilang taon ay magsasama muli sa ikalawang pagkakataon si Eula Valdez at Jean Garcia na nakilala bilang Amor Powers at Klaudia Buenavista sa Pangako sa Yo ng ABS-CBN na ipinalabas noon pang taong 2000. Makakasama rin sa remake si Richard Gomez.

All About Eve Teaser