Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Sa napaka kontrobersyal na presscon ng Desperadas 2 kinumpirma ni Iza Calzado na break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jerry Garcia.
Five Years ang itinagal ng kanilang pagsasama. Ayon sa ibang press, childhood sweethearts daw ang dalawa at nung 2003 lang daw muling nagkita at nagkatuluyan.
Si Jerry Garcia ay isang Investment Banker na nakatira sa California, USA. Nung sila pa ni Iza, palaging dumadalaw sa bansa si Jerry para bisitahin siya. Marami pa man din ang nagsasabi noon na malapit na sila magpakasal dahil kamakailan lang ay binili ni Iza Calzado ang bahay ni Rufa Mae Quinto kaya marami ang naghinala na mag se-settle down na ito. Ngunit, ayaw pa rin magbigay ng detalye ni Iza patungkol sa kanilang paghihiwalay ng kanyang ex-boyfriend dahil wala naman daw sa showbiz si Jerry. Magsasalita na lang daw siya pag nasa tamang oras na. Busy din daw kasi siya sa promotion ng kanilang pelikula.
Muntik na rin na maiyak si Iza sa presscon ng Desperadas 2. Nauna nang naipabalita ang pag iyak ni Marian Rivera sa presscon dahil sa buntis issue ni Boy Abunda at Karylle.