Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Certified Kapamilya na ang magaling na singer na si Karylle matapos pumirma ng 1 year exclusive contract sa Kapamilya station kahapon, December 9, 2008. Dumating kahapon ng madaling araw si Karylle dito sa Pilipinas galing sa laban ni Pacquiao at Dela Hoya. Pagkagaling sa airport ay sinasabi nga na dumeretso itong si Karylle sa ABS-CBN para pumirma ng exclusive contract.

“Thank you sa pag-welcome niyo sa akin. Kasi bagong dating ako from Las Vegas. Kanina ako dumating mga 5 am tapos diretso ako dito tapos nagulat ako kasi ang daming nag-welcome sa akin pagdating ko dito,” - sabi ni Karylle na nagulat sa warm welcome ng mga executives ng network.

At pinabulaanan pa rin ni Karylle na walang kinalaman ang pag bre-break nila ni Dingdong sa paglipat nito ng network. Nakakapag taka lang dahil nung sila pa ni Dingdong, kapamilya na ang ina ni Karylle na si Miss Zsa Zsa Padilla, so kung career move talaga ang paglipat ni Karylle, bakit saktong sakto? Nagkataon? wow ang galing naman!

“Kasi maraming changes na nangyari sa buhay ko and with that, I also changed management. So now I’m under Stages with Carlo Orosa and Audie Gemora. So since maraming kaguluhang nangyayari, yung career, I just left it up to them to decide and make decisions for that kasi at that time hindi ko talaga maisip kahit ano pang ibang bagay. So I trust them completely and I know that they’re very capable of making the right decision for me so nung sinabi nila na lilipat ako, I trusted it and I’m very, very happy. It’s really the right decision. It’s a lot of different things, hindi lang naman yun kasi, yung ibang tao feeling nila yun lang yung dahilan pero more than anything, it’s a career decision. ” - dagdag pa ni Karylle.

Sa December 14, 2008 ang official launch ni Karylle as part of ASAP family at makakasama daw ito sa next serye ni Kristine Hermosa na Maruja. Excited na daw si Karylle na makasama ang mommy nito sa ASAP na si Miss Zsa Zsa Padilla.

Well, sana maka move on na si Karylle, tutal kahit ilang beses niyang i deny, hindi naman tanga ang tao kung anu ang reason niya ng paglipat diba? hehe.. Sana tama ang decision niya, or much better sana makahanap siya sa Dos ng guy na magmamahal sa kanya, hindi na mahirap yun! Marami maatract sa kanya, matalino siya eh! Most guys nowadays love girls na may utak!

Source: abs-cbn.com