Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Napaluha si KC Concepcion ng tanungin ng PEP tungkol sa pag re resign ng batikang direktor na si Direk Joey Reyes sa pelikula ni Richard Gutierrez at KC Concepcion under GMA and Regal Films. Nauna na ngang napabalita na dahil sa creative differences kaya nagresign ang direktor. Sinabi naman ni KC na mismong si Direk Joey ang nagsabi sa kanya na mag re resign ito.

"Nag-text po siya sa mga managers ko, nag-explain po siya kung bakit kailangan niyang gawin. Hiniwalay naman po niya kami ni Chard. So, talagang ang problema niya po yata ay between him and the producers. Naiintindihan ko naman po nang sobra-sobra yung mga points niya." ani KC.

Dagdag ni KC, "Understandable naman po talaga ang mga rason niya. Pero naiyak ako, sa totoo lang. Hanggang kagabi, kaninang umaga, umiiyak po ako. Siyempre, natatakot din ako kung ano ang magiging resulta. But, of course, sometimes kailangan lang talagang gumawa ng desisyon. Tingnan na lang po natin kung ano ang mangyayari."

Pressured na daw talaga ang aktres sa ikalawang pelikula nila ni Richard,

"Of course, may pressure," sabi niya. "Of course, ninenerbiyos ako nang sobra-sobra, kasi hino-hope ko na ganoon din ang suporta ng mga tao. Hino-hope ko na sana, ganoon din ang ipakita nilang pagmamahal, na hindi ko naman hiningi sa kanila. Pero sana, sana mangyari yung ganoon. Kasi, ibinibigay rin namin sa kanila ang lahat."

Si Direk Joel Lamangan na ang hahalili sa nagbitiw na direktor na si Direk Joey Reyes. Magsisimula na ang shooting ng kanilang pelikula sa Deceber 18-22, 2008 at magsisimula muli sa unang buwan ng 2009. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring titulo ang kanilang pelikula.

Source: pep.ph