Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Lingid sa kaalaman ng mga Pinoy, ang Lalola ay sikat na sikat sa buong mundo. Sa totoo lang, nagulat ako na kinuha siya agad ng GMA 7. As in hindi ako makapaniwala. Sa aking pagkaka alam kasi, ang Lalola ay ang hottest franchise ngayong 2008 matapos kumita ang original version nito na natapos lang last April 29, 2008.

Original Version:

Ang original version ng Lalola ay unang pinalabas at ginawa sa Argentina na nagsimulang i ere noong August 29, 2007 ng America TV. Ang gumanap na Lola ay si Carla Peterson at ang Facundo naman ay si Luciano Castro. Pinag usapan ito at pinag debatehan ng maraming tao.

Naging kontrobesyal ang istorya ng original Lalola series matapos batikusin ng mga konserbatibo. May gay touch kasi ang istorya nito. Naging babae si Lalo, nagbago ang kanyang gender preference, at nagmahal na nga ng lalaki.

Philippine Version:

Sa totoo lang, medyo dismayado ako sa twist na ginawa ng GMA sa istorya ng Lalola. Okey lang sana yung mga dinagdag nila na Babaylan, naging makulay ang istorya! Pero bakit binago nila ang sumpa sa pagkababae ni Lalo? Bakit naging babae ang kanyang gender preference through a spell? Sa original version kasi, walang sumpa o spell ang ginawa para magbago ang puso ni Lalo, kusa siyang naging babae matapos ma develop kay Facundo. Nawala ang gay touch! Kaya nga naging sikat ang La Lola dahil sa gay touch. At habang patagal ng patagal ang istorya ng Lalola, nawawala na ang topic about sa pagkalalaki ni Lalo. Parang pinatay na talaga ng GMA ang karakter ni Lalo! Kaya hindi na siya exciting kasi umiikot na ang istorya ng ibang iba sa orihinal. Sayang! Ang ganda sana ng istorya.

Exciting kasi ang istorya na iniisip ni Lola kung bakit mahal niya si Facundo eh gayong lalake naman siya. Sa Philippine version kasi, Nagbago na lang ang feelings ni Lalo matapos siyang halikan, nawala ang excitement. Nawala ang "falling" stage ni Lalo through Facundo. Super sayang! Tsk Tsk! Kaya hindi pinag uusapan masyado.

Trivia:

Nakatakda na ring gawan ng US version ang Lalola. Nabili na kasi ng Fox Network ang rights nito at ito ay tatawaging EVA ADAMS