Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Kung hindi dayaan, lokohan naman ang bintang ng mga tao sa noontime show ng kapamilya station na Wowowee. nung nakaraang Miyerkules kasi, pumila ang higit isang daang tao sa harap ng ABS-CBN para sana sumali sa noontime show, ngunit nadismaya lamang ang mga OFW na pumila matapos malaman na walang contest na naganap dahil sa taped ang programa na ipinalabas nung Christmas. Nagkaroon yata ng miscommunication at misunderstanding kaya naman nagreklamo ang mga "naloko" umanong mga OFW's sa tanggapan ng Quezon City Police Department. 

Nagbigay naman ng pahayag ang pamunuan ng Wowowee na wala silang tinawag na live contestants para sa araw ng pasko at inanunsyo pa ito ng isa sa mga host na si Pokwang. Humingi naman ng paumanhin ang ABS-CBN at sinabing kinuha na nila ang mga pangalan ng mga dismayadong contestants para maging priority sa mga susunod na palaro. Panoorin ang detalye ng balita sa video sa baba.