Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nagkaroon ng issue si Luis sa pagkakalink sa lahat ng mga girls na lumilipat sa Dos galing sa Siyete. Pikon na pikon si Luis noon. Nagsimula kay Toni Gonzaga, Anne Curtis at ngayon naman ay si Angel Locsin. Pero mukhang iba ang istorya kay Angel..

Lately nga ay naging visible na si Angel Locsin at Luis Manzano sa mga social gatherings gaya na lamang ng Famas at marami pang iba. Sa mga huling ulat, botong boto ang ina ni Luis na si Governor Vilma Santos kay Angel. Nakikita daw kasi nito na masaya ang anak niya sa company ni Angel. At kahit pa hindi kinukumpirma ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon, obvious na "meron" nang namamagitan sa dalawa.

Ayon naman sa ulat ng PEP, kinumpirma ni Angel na sa bahay nila Luis sa Lipa City siya nag bagong taon last year. Pero ngayon naman daw ay sa bahay na nila siya mag ba bagong taon.