Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Dahil kay Pacquiao, nagkakaroon ng break si Regine Velasquez, Sarah Geronimo at lahat ng mga singers and performers ng ASAP at SOP. Bukas na ang pinaka aantay na Dream Match. Ang hindi natin akalaing mangyayari dahil ang liit liit ni Pacquiao eh lalaban siya sa isang bulas na De La Hoya. Pero in fairness, ang gwapo ni Oscar, si Manny naman... mayaman! Hehe...
Anyway, bukas ng 10 in the morning ang start ng laban ni Pacquiao, pero may nabasa akong blog ng boxing na mga 9 in the morning or up to the half ang palabas niya. Pero alam naman natin na para maipalabas ng libre ang laban, sandamukal na Motolite at Tanduay pati na Smart na commercial. Hindi ba kayo nagtataka? Kabisado ko na yung mga nag co-commercial pag laban ni Pacquiao! Syempre kasama na diyan yung mga endorsement niya! Haha.
Sa Kapamilya station naman, mag momovie marathon sila. Yung Sakal Sakali Saklolo saka Enteng Kabisote ipapalabas nila. Dati naman nung channel two pa ang nagpapalabas ng Pacquiao fight, ganun din ang ginagawa ng Kapuso station. Kasi sigurado naman na buong bansa, pati yata mga aso eh nanunuod ng laban ni Pacquiao.
At dahil dyan, matutulog ako maghapon hanggang tanghali na ako magising. Para pagkagising ko eh alam ko na ang nanalo. Sana manalo si Manny, para masaya ang Pilipinas. Saka nakakaloka yung giyera sa Mindanao, ceasefire sila. Ang aarte! Pacquiao lang pala ang makakapagpahinto sakanila. Mga leche! May giyera giyera pang nalalaman.

Go Manny! Fight!