Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Kinumpirma na nga ng dalawang kapuso stars na sina Paolo Contis at Isabel Oli. Nagsimula sa blind item ang bulung bulungan na naghiway na ang dalawa. Nai post ko na before na nasilip ng press ang Facebook ni Paolo Contis at nakalagay nga sa status niya eh single na. At kanina sa Startalk eh deretsahan nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay. Last Thursday pa pala ang pag sagot ng dalawa pero hindi lang na sensationalize.

Nung una ay naging pailap ang dalawa sa pagsagot sa issue. Ayun, napuno na siguro kaya go na sila sa pag kumpirma. Two weeks ago pa pala ang kanilang break-up.
Ayon naman sa dalawa, masakit sa kanila ang paghihiwalay pero yun daw ang kinakailangan. Sabi naman ni Isabel na si Paolo ang nag decide. At sinabi naman nito na biglaan.
Sabi naman ni Paolo, walang third party na dahilan pero ang idiniin nito ay personal differences ang dahilan at hiningi nito ang privacy dahil noon pa naman daw eh private na talaga ang relationship ng dalawa.
Marami naman ang nagsasabi na maari pang maisalba ang relasyon ng dalawa. Wait na lang natin kung anu ang susunod na mangyayari. How sad!