Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Dinepensahan ni Pauleen Luna ang sarili matapos maglabas ng pahayag si Gerald Anderson sa PEP kung saan dineny ni Gerald ang kanya umanong pagdalaw sa Eat Bulaga at pagdadala ng pagkain kay Pauleen, last October daw kasi, naikwento ni Pauleen na dinalaw siya ni Gerald at dinalhan siya ng food! Last Saturday, November 29, 2008, ininterview ng Startalk si Pauleen at kinuhanan ngpahayag hinggil sa pag deny na ginawa ni Gerald. Pauleen insisted na hindi siya sinungaling at may ebidensya siya na dinalaw siya ng aktor. Biniro tuloy ni Joey De Leon si Pauleen at sinabing si Gerald na ang bagong caterer ng EB.

Alam niyo sa tingin ko dito? wag na lang patulan ni Pauleen or palakihin pa. Hindi rin naman siya matutulungan ng isyu na to at kung nangyari man to, idedeny at idedeny ito ni Gerald Anderson knowing na malakas ang hatak sa masa ng loveteam ni Gerald Anderson at Kim Chiu. For sure eh masisira ang loveteam pag patuloy na lumaki pa ang issue.