Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Habang nakasakay sa float ng Desperadas 2 si Marian Rivera, tinanong ito ng press kung niregaluhan ba siya ni Dingdong Dantes para sa pasko. Nung una ay ayaw pa nito magsalita pero napilit din at umaming may regalo nga sa kanya ang Number 3 Sexiest Man in the World. Nung tanungin pa ng press kung ano ang regalo ni Dingdong sa kanya eh tumanggi na itong magsalita at sinabing "secret!" sabay tawa!
Hindi pa diyan nagtatapos ang kilig moments ng dalawa. Umattend naman si Dingdong sa premiere night ng isa pang pelikula ni Marian sa Metro Manila Filmfest ngayong 2008 na Shake Rattle and Roll X, marami ang press na nagtanong kung magkasama sila ngayong pasko. Sinabi naman ni Dingdong na masaya sila ni Marian.

Samantala, nagpa party ang manager ni Marian na si Popoy Caritativo para sa press people. Tinanong ngayon si Marian tungkol sa naging issue sa kanila ni Karylle. Ayaw na pag usapan ni Marian ang naging alitan nila ni Karylle at tapos na daw yon! Well, kaya pala bitter pa si Karylle, obvious na si Marian na at si Dingdong! Inagaw kaya ni Marian si Dingdong o si Dingdong talaga ang nakipag kalas kay Karylle para makasama nito si Marian?