Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Mula sa comic book series ni Will Eisner, gagawin nang pelikula ang The Spirit! Marami na nga ang nag aabang sa pelikulang ito, kabilang na ako! Hehe.. Makikita sa trailer video nito na mapapanood sa ibaba, makikita na may comic book style siya na parang nagbabasa ka ng comics! Ang ganda! In fairness, ang ganda ni Scarlett Johannson sa pelikula, at sinamahan pa ni Samuel L. Jackson na gaganap nanamang kontrabida after his last villain role sa pelikulang Jumper. Ang title role naman ay gaganapan ni Gabriel Macht na napanood sa television series na Numb3rs. Ang nasabing pelikula ay matagal nang planong gawin ngunit nagkaroon ng problema at ngayon nga ay matutuloy na! At last..



Ang pelikulang ito ay ipapalabas sa December 25 sa USA at first week of 2009 naman dito sa Pilipinas! Hindi kasi pwedeng isabay ito sa pasko dahil sa Metro Manila Filmfest.

Video Trailer Courtesy of Lionsgate Films