Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Ito ang tanong na hindi pa natin alam kung anu ang sagot matapos manalo ni Cris kagabi sa Immunity Challenge. Alam naman nating lahat na sa kanya ibinigay ni Kaye ang Black Pearl na may kabuuang dalawang boto dahil itinapon niya ito sa dagat. Sa ngayon ay pinagdedebatehan pa ng mga Survivor Fans ang magiging hatol. Marami ang nagsasabi na "void" na ang sumpa ng Black Pearl at magiging ligtas si Cris sa sumpa ng dalawang Boto. Pero may nagsasabi din na binalaan ni Paolo Bediones ang mga castaways na pag nawala ang perlas ay mananatili ang sumpa.

Para malaman natin ang sagot, panoorin natin ang Survivor Philippines mamaya, at huling dalawang linggo na lang. Lima na lang ang natitira, palapit na tayo ng palapit sa finale ng pinakamatinding reality show sa kasaysayan ng Philippine Television.