Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Hindi na nakakagulat na si Anne Charrise Yacapin ang natanggal at ang pinakahuling miyembro ng jury. Marami na ang hindi nagulat sa mga nangyari dahil na rin sa obviously strong alliance between JC Tiuseco and Rob Vincent Sy. Sa ngayon ay dalawa na lang sila. At sila ngayon ang tinatawag na Final 2 kung saan isa sa kanila ang tatanghaling kauna unahang Pinoy Sole Survivor. Marami ang nagsasabi na magiging mainit ang laban ng dalawa pagdating sa boto ng mga jury. Hindi pa rin natin alam kung paano boboto ang mga jury.
Sa susunod na episode, makikita natin na magkakaroon ng reflection ang final 2. For sure walang iiyak sa dalawa dahil mga barako yang mga yan. Hehe.
I felt a little disappointment na hindi nakuha si Charisse sa Final 2. Mas maganda kasi kung may babae sa Final 2. Well, sana sa next season may makapasok na babae sa final 2.
Malapit na ang Finale, ang pinakaaabangang live announcement of the winner. Bibilangin ni Paolo Bediones ang boto ng live.
Abangan!