Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Marami sa ating mga Survivor Philippines viewers ang masyadong affected sa mga pangyayari sa pinakamainit na reality show on Philippine Television this year. Sinasabi nga ng ilan, kung pwede lang na makialam tayo sa botohan gaya ng text vote, makakapili tayo kung sino sa tingin natin ang karapat dapat na tanghaling Pinoy Sole Survivor. Now guys, our wish? Granted! Boboto tayo ngayon kung sino ang gusto nating maging kauna unahang Pinoy Sole Survivor. Ito ang tinatawag na "Philippine Vote".

Mamimili tayo sa isa sa Final 2 kung sino ang gusto nating manalo sa kanila, kay Rob Sy at JC Tiuseco. Ang lahat ng ating mga boto ay pagsasama samahin at gagawing isa. Ang isang boto na yun ay isasama sa walong boto ng jury.

Hindi tulad ng mga naunang Tribal Council, ang makakakuha kay JC or kay Rob ng pinakamataas na boto, ay ang tatanghaling kauna unahang Pinoy Sole Survivor.

Watch Survivor Philippines for instructions. Tnx! Kitakits sa Finale!!