Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Sa ginawang interview ng abs-cbn.com kay Cathy Garcia-Molina na direktor ng A Very Special love, hindi daw isasabay ang sequel nito sa ikalawang movie team up ni KC Concepcion at Richard Gutierrez na Best For Last. Sinabi kasi ng direktor na konti na lang daw ang mga lumalabas na Filipino movies ngayon kaya naman daw eh magandang makisama at kooperasyon sa kanilang mga movie makers na hindi paglabanin ang kanilang mga pelikula. Madami kasi ang nakapansin na natalo umano ng A Very Special Love ang For the First Time last year. Kaya naman, andaming haka haka na baka itapat ito sa susunod na proyekto ni KC at Richard na i proproduce naman ng GMA Films.

Kabado daw si Direk Cathy Garcia-Molina kung kakagatin daw ba ng tao ang magiging sequel ng pelikula. Dahil marami sa mga Pilipino eh mataas ang expectations. Kaya naman, puspusan daw ang kanilang paghahanda sa pelikula.

Samatala, masayang masaya naman daw si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at magkakaroon sila ng ng susunod na project. Taas naman ang kilay ng mga John Lloyd - Bea Alonzo fans dahil dito.


Well, ang masasabi ko lang, Panonoorin ko ang dalawang pelikula. At isusulat ko dito kung maganda ba o hindi. Pero mataas ang expectation ko sa next Richard-KC movie dahil medyo palyado ang una nilang pelikula under Star Cinema.