Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin kinukumpirma ni Doktora Vicki Belo ang mga kumakalat na issue na hiwalay na sila. Pumutok kasi ang issue na nagkaroon siya ng komprontasyon sa kanyang modelo sa kanyang clinic na si Katrina Halili. May "nakahuli" daw kasi kay Katrina at Hayden. Ginamit umano itong ebidensya para maokompronta ni Vicki si Katrina. Sa mga huling balita, umalis ng bansa si Dra. Vicki Belo para iwasan ang press na magtatanong sa issue tungkol dito. Marami naman ang nagsasabi na marami na talagang problema ang dumadaan kay Dra. Vicki Belo at kay Dr. Hayden Kho. Malayo kasi ang agwat sa edad ng dalawa. Marami daw ang nakakakita na nag aaway sila at nagtatalo. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin sumasagot si Hayden at Katrina patungkol sa mga issue na lumalabas.