Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ayon sa column ni Jun Lalin sa Abante Tonite, kinumpirma nito na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nina Doktora Vicki Belo at Kapuso star na si Katrina Halili dahil umano kay Hayden Kho. Sa pagkaka alam nating lahat, si Dok Hayden at si Dra. Vicky ay may relasyon. Kamakailan lang ay naging top endorsers ng clinic ni Dra. Vicki si Katrina Halili at nag pose ng sexy kasama si Dok Hayden.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi lang daw basta usap ang naganap kundi nagkaroon ng matinding komprontasyon. Naglabas pa daw umano ng ebidensya si Doktora Vicki sa mga pinag gagawa ni Katrina at Dok Hayden habang nakatalikod siya. Ang mga nagbigay daw ng ebidensya kay Dra. Hayden ay isang kaibigan na naawa na daw sa kanya.
Ang sabi pa sa kolumn, "nagising" na daw si Dra. Vicki kaya naman daw matapos ang komprontasyon kay Katrina ay nakipag hiwalay na ito kay Dok Hayden Kho.
Ayaw pa daw magsalita ni Dra. Vicki Belo kaugnay sa pangyayari pero labis pa daw itong nasasaktan hanggang sa mga oras na ito.