Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ayon sa column ni Abu Tilamzik sa Abante-Tonite. Napamura daw si Gerald Anderson! Nakakaloka! Nangyari ito ng aksidenteng nagkaharap si Gerald at si Pauleen Luna sa parada ng Metro Manila Film Festival nung nakaraang linggo. Si Pauleen Luna kasi ay isa sa mga host sa huling stage ng parada. Ang nakakatawa pa eh si Pauleen Luna pa ang tumawag ng pangalan ng dalawang magka loveteam.

Basang-basa daw ni Pauleen ang bibig ni Gerald na napamura ito ng makita siya sa parada. Dedma lang naman daw si Pauleen kung makasalubong niya ang binata. Habang nasa stage daw ang cast ng Shake Rattle and Roll eh nasa likuran lang daw ni Kim Chiu si Gerald - - Nagtatago.

Nagkaroon ng issue ang dalawa matapos i deny ni Gerald Anderson ang pagdalaw umano nito kay Pauleen Luna sa set ng Eat Bulaga ilang linggo na ang nakalipas.