Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
BB Pilipinas disqualified 2009Sandra Ines Seifert
Tila nagkatotoo na malas ang numero 13 kay 2009 Binibining Pilipinas candidate na si Sandra Inez Seifert dahil nadiskwalipika siya sa nasabing beauty contest. Si Sandra kasi ang candidate no. 13 sa nasabing beauty contest.

Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing hindi na nakita si Sandra sa rehearsal ng mga kandidata para sa grand coronation night na gaganapin sa Sabado.

Sa panayam kay Sandra sa telepono, inihayag ng dalaga na natanggap na niya ng notice of disqualification mula sa pamunuan ng Bb Pilipinas pageant.

Isa umano sa mga dahilan ng kanyang pagkakadiskwalipika ay ang paglabas niya sa isang men’s magazine.

Idinagdag ni Sandra na sinubukan ng kanyang mga abogado na umapela sa pamunuan ng Bb. Pilipinas ngunit final na umano ang desisyon nito. Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag na ipinapalabas ang pamunuan ng Bb. Pilipinas sa nangyari kay Sandra. GMANEWS