Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Blind Item
Sassyqarla would like to share an interesting blind item from Ador Saluta's column in Bulgar published yesterday.

Itsinika sa amin ng aming "spy" at ng staff ng isang show na isang aktor daw ang naging isang instant FATHER dahil nagsilang diumano ng baby boy ang naanakan nitong non-showbiz girlfriend. Sa Palawan daw isinilang ang baby na obviously ay itinatago sa madlang people.
Tiyak na masisira ang career at mababawasan ang kanyang fans kapag nalamang may naanakan ito at kasisilang lang nitong buwan ng Pebrero.

Clue:

Kapangalan ng aktor ang isang pagkaing isinasawsaw sa tsokolate na paboritong orderin ng mga customers sa Dulcinea Resto.