Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nagpasalamat din si Doods sa showbiz press hindi lang sa pagsuporta sa kanya at sa OMB, kundi pati na rin sa anak niyang si Luis Manzano.

Pinag-uusapan na ang gagawing pelikula ni Luis at ng ina nitong si Gov. Vilma Santos na gaganap na ba­ding si Luis. Sey ni Edu, bibigyan niya ng tips at advice si Luis dahil may experience na siya sa pag-portray ng gay sa pelikula.
“Si Luis, marami nang nagagawa. He takes his craft very seriously. ‘Yung iba diyan, naglalaro pa, eh! Siya, hindi. I know how much he wants to succeed.
“So, itong mga ‘to, wala na siyang pinapatuna­yan with regards to masculinity, eh! What he wants to show them is that he has what it takes to be a good actor,” da­yalog ng actor-TV host.
Nabanggit niya last time na handa siyang mag-guest sa movie ng mag-inang Vilma at Luis (A Mo­ther’s Story under Star Cinema) at gumanap na ama ni Luis.
“Oo. Tumigil ako ng pag-aartista o pagpepelikula when I took over the Optical Media Board. Mula nu’ng mag-take over ako four years ago, I said no more movies. Kasi, sinabi ko, you can’t serve two masters.
“But in this case, it could be a very, very short, maybe one or two-day shooting. And siguro, ito lang ang magiging pagkakataon ko na makatrabaho si Luis at si Rosa Vilma.”
So, go, go, go siya sa nasabing pelikula?
“Oo. Pero ang problema, eh hindi naman ‘yan naisip nu’ng ginagawa ‘yung script. So, nag-iisip sila ngayon ng character kung anong babagay sa akin.”
Samantala, nausisa rin si Edu tungkol sa lovelife ni Luis, na mukhang masayang-masaya sa piling ng nobyang si Angel Locsin. Very vocal sila ni Ate Vi sa pagsasabing pabor sila pareho kay Angel para sa binata.
“Oo, nag-uusap kami ni Angel. Textmates kami… at saka sa Facebook! Ha! Ha! Ha!” tawa ng cool na cool na si Doods.
Teka, may nabanggit ba sa kanya si Angel na dahilan kung bakit ito umiyak sa ASAP nu’ng Linggo habang kumakanta with Piolo Pascual?
“No. Alam mo, hindi ako pupunta diyan, eh! Lalo na’t malapit nang mag-showing ang kanilang pelikula… “You know, I see them (Luis & Angel) together and I like what I see. I’m happy for them,” hirit sa amin ni Edu.
So, hindi si Luis ang iniyakan ni Angel?
“Ayan na! Eto, ayokong pakialaman ‘yung buhay nila, for ob­vious reasons naman. You know, my son is of age and he’s a wonderful son. And marunong din siyang dumiskarte sa buhay.”
Nag-follow-up pa kami kay Doods. Sa pagkakakilala niya sa anak niyang si Luis, hindi ba nito paiiyakin si
Angel?
“Naks naman talaga! Kumain ka na, baka gutom lang ‘yan! Ha! Ha! Ha!” natatawang buwelta niya sa amin.
“Hindi, you know, may pelikulang malapit nang i-showing. I want to respect Luis and I want to respect also
Angel and also the mo­vie. Kasi, many people have put in time and effort sa pelikula,” huling linya ni Edu.
Kahapon ay tinext namin si Angel at tinanong kung anong dahilan ng crying moment niya sa ASAP, pero habang tinitipa namin ito ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanya.