Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Base sa nakita at narinig naming reaksyon ng audience nang manood kami ng 43rd birthday concert ni Sharon Cuneta nu’ng Biyernes sa Araneta Coliseum ay buhay na buhay pa rin ang fans nina Sharon at Gabby Concepcion.
Sa loob ng Big Dome ay wala kaming naintindihan sa mga sinabi ni Gabo sa kanyang surprise birthday greeting kay Shawie dahil sa
ingay ng fans habang ipinapalabas sa big screen ang VTR ng aktor.
In fairness ay ang guwapo ni Gabby at mukhang bagets ang itsura sa nasabing videotaped message (na kuha sa Amerika kung saan ito nagbakasyon at hindi pa bumabalik dito sa ‘Pinas hanggang ngayon).
Positive ang reaksyon ni Mega dahil nagkaayos at nagkapatawaran sila ng kanyang ex-husband nang pumanaw ang ama nito na si Rolly Concepcion last year.
“I’m happy for him and his wife and daughter, Samantha. Hi, Ginbee! Happy New Year!” masayang bati pa ni Shawie sa non-showbiz misis ni Gabo.
Sa TV interviews niya ay nabanggit ni Sharon na wala nang bad feelings sa kanila ni Gabby at masaya na sila para sa isa’t isa.
Ang inaantabaya­nan ngayon ng marami ay kung kelan sila mu­ling magtatambal sa pelikula.
Ayon kay Mega, kung siya ang tatanungin ay gusto niyang magsama ulit sila ni Gabby sa pelikula, kaya lang ay mas iniisip pa rin daw niya ngayon ang pamilya niya lalo na ang mister niyang si Sen. Kiko Pangi­linan.
Sa nasabing birthday show ni Sharon ay nabanggit niyang magpapapayat na siya dahil nakatakda na nilang simulan ni Richard Gomez ang balik-tambalan nila sa Star Cinema.
After naman nu’ng VTR greetings ni Vilma Santos ay nagdayalog din si Shawie na may gagawin silang movie ni Ate Vi this year kaya tuwang-tuwa siya.
Makatatlong pelikula kaya si Mega ngayong 2009 at ‘yung pangatlong ‘yon ay with Gabby na?!



source: Allan Diones - Abante