Nakatakda na ngang magkaroon ng part 2 ang matagal nang inaabangang E-Heads Reunion concert part two. Matapos ang interview ng News on Q sa manager ni Ely Buendia na si Diane Ventura, nakatakdang maganap ang concert sa March 7. Hindi pa finalized ang venue pero sigurado na! Sinabi pa ng manager ni Ely, pinayagan na siya na muling mag perform matapos ang series of check ups kaugnay sa kanyang sakit sa puso. Nauna nang nag reunion concert ang Eraserheads nung August 2008 kung saan hindi natapos dahil inatake sa puso si Ely at kailangang itakbo sa ospital.