Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


KUNG sakali ay hindi first Valentine celebration nina Richard Gutierrez at KC Concepcion ngayong 2009 dahil last year ay magkasama sila. Nu’ng una ay parang gusto pang i-edit ng dalawa ang kuwentong ‘yon nu’ng presscon ng Valentine movie nilang When I Met U, pero inamin din ni Chard na magkasama sila ni KC nu’ng February of last year at hindi na siya nag-elaborate pa. Kuwento pa ni Chard, kung nu’ng first movie nila ni KC na For The First Time ay mas kabado sila, ngayong second film nila together ay mas nag-e-enjoy na sila.

Mas matagal na raw kasi silang magkasama sa trabaho at alam na nila ang working habits ng isa’t isa at ng production people.
Kumusta ang mga eksena ng halikan nina KC at Richard sa When I Met U? Sey ni Chard, “Siguro, mas nakapag-adjust na ngayon si KC. Kasi, I remember, nu’ng first namin…”

Singit ni KC, “Oo, kasi ‘yung first kissing scene namin sa Greece (sa For The First Time), hindi ko alam, parang unwittingly, tinatakpan ko ng shoulder ko ‘yung shot! Parang nahihiya ako! Ha! Ha! Ha!” “At least ngayon, mas comfortable na siya,” sundot ni Chard. “Oo, natuto na po ako! Kasi po, parang dati nga, nahihiya ako. Feeling ko, ang daming nanonood, ‘di ba? Bilang buong Pilipinas! Ha! Ha! Ha! “Pero ngayon po, pinanindigan ko na po ‘yung pagiging aktres ko rito.

Pero maganda po. May rainbow nu’ng sinu-shoot namin ‘yung first kissing scene namin (sa When I Met U). “Natuwa nga ako, para akong bata na ako lang ‘yung tumatalon na, ‘Yey! May rainbow!’ Ha! Ha! Ha!” tawa ng megadaughter. Kung si Richard ay “What you see is what you get!” ang paboritong linya tungkol sa namamagitan sa kanila ni KC, si KC naman ay “We wanna take it step by step” ang ginamit na linya tungkol doon. Medyo nakakaintriga ‘yung dagdag-hirit niya na, “Siguro, may some things na itatago na lang namin…” Sa Pebrero 11 ang showing ng When I Met U.


source: Allan Diones, Abante