Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
jennylyn mercado german moreno
Mabigat ang binitiwang mensahe ni German Moreno sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon sa January 2,2009 issue nito kung saan nagbigay si Kuya Germs ng mga mensahe sa ilang mga artista na sa tingin niya ay kailangan nang magbago. Kabilang sa mga ito ay si Jennylyn Mercado, heto ang mensahe ng batikang manager at entertainment guru sa batang aktress.

"Yung pagkakait mo kay Patrick Garcia na makita ang kanyang anak, sana magbago na.Ayaw mo bang may makilalang ama ang iyong anak? Kalimutan mo na ang galit mo sa kanya, alang-alang man lamang sa baby nyo. Gusto mo bang sisihin ka ng anak mo paglaki nito?"

Ang iba pang artista na binigyan ni Kuya Germs ng mensahe ay sina Patrick Garcia, Iza Calzado, Mo Twister, Governor Vilma Santos, Rufa Mae Quinto, Dingdong Dantes, Marian Rivera Regine Velasquez at marami pang iba.

I'm expecting na magkaroon ng mensahe si Kuya Germs sa huling naka alitan nito na si Billy Crawford. Siguro ay hindi pa talaga ready na magpatawad si Kuya Germs.