Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
yasmien kurdi marky cielo
Ayon sa column ni Nene Riego sa Bulgar ngayong araw, Enero 3, 2009. may inamin na si Yasmien sa nakaraan nila ni Marky. Nakausap ng press si Yasmien na lungkot na lungkot sa selebrasyon ng Lucky 09, ang New Year countdown ng GMA 7. Naaalala daw ni Yasmien ang mga sweet memories nila ni Marky. Pag nag sasayaw daw sila at hindi makuha ni Yasmien ang steps, si Marky daw ang nagtuturo sa kanya at nagtiya tiyaga.

Ngayon lang namin nalaman na nung 2006 pala nang manalo si Marky sa Starstruck ay crush na crush siya ni Yasmien. pati daw si Marky, type si Yasmien, pero hindi daw natuloy manligaw si Marky dahil sa sobrang busy daw nila, hindi daw kayang mag handle ng relationship ni Marky.


Samantala, iwas issue pa rin si Yasmien sa kung ano ang nangyari sa kanila ng dati niyang ka M.U. na si JC De Vera na walang pakundangan na ngayon ng pag eexpress ng pagmamahal sa kapartner nito sa Kapuso soap na Lalola.
Iniwan ba siya? Well, sabihin na lang sana ni Yasmien ang reason para hindi negative ang mga naglalabasan di ba?