Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
marian rivera retro crazy

Namasyal sa Batangas City ang mga kaibigan natin sa panulat. Namasyal masyal para magbakasyon ng Bagong taon. Nagulat sila nang malaman na nangunguna ang Sabay Sabay Tayo, carrier single ni Marian Rivera sa kanyang album na Retro Crazy sa Laguna at sa Batangas. Kuwento pa nila, ginagamit na sa mga probinsya ang kanyang kanta sa mga intermission numbers dahil sa "masa effect" nito.

Malapit sa puso ni Marian ang kanyang kanta na Sabay Sabay Tayo. Sa katunayan, linya nitong "sabi nila hindi ako marunong sumayaw, sabi nila parehong kaliwa ang paa ko" ay hango sa totoong pangyayari sa buhay showbiz ni Marian. Nang nangsisimula pa lamang siya, laman siya ng mga blind items na "trying hard" kung sumayaw. Naiimbitahan kasi noon si Marian na sumayaw sa mga pagtitipon ng kanyang home entertainment corporation na TAPE kung saan siya nagsimula.

Marami na lang ang nagulat nang siya ang makakuha ng hit telenovela remake na Marimar kung saan bumongga ng husto ang kanyang career. Nilait lait pa siya ng ilan dahil sa hindi siya umano magaling sumayaw. Hindi pinansin ni Marian ang mga negatibong pasaring sa kanya at sa halip ay pumasok sa mga dance lessons.

Ngayon ay ineenjoy na ni Marian ang kanyang dancing career.

Listen to Marian Rivera's Sabay Sabay Tayo! Click Here