Kumpirmado na po na tapos na ang long-term relationship ni Jolina Magdangal at boyfriend nito na si Attorney Bebong Munoz!
Kinumpirma ng ama ni Jolina Magdangal na si Mr. Jun Magdangal ang nakakagulat na hiwalayan matapos ang panayam nito sa PEP. Kahit ang mismong ama ni Jolina ay nagulat sa hiwalayan ng dalawa.
Nasa States daw ngayon si Bebong Munoz. Tinanong pa ng press kung ano ang detalye ng hiwalayan, after Christmas na daw nalaman ng pamilya ni Jolina ang sinapit ng relasyon matapos aminin ni Jolina sa kanyang ama ng magpunta sila sa Tagaytay City.
Malihim daw si Jolina pagdating sa kanyang lovelife. Kaya ganun na lang ang pagkagulat ng kanyang ama ng nalaman ang hiwalayan. Six years ang itinagal ng kanilang relasyon. 2007 ay kumandidato pa bilang congressman si Bebong at todo suporta pa si Jolina noon. Marami pa ang nag akala na malapit na silang magpakasal.
Natapos ang relasyon ni Jolina at Bebong bago pa pumasok ang taong 2008. Sa ngayon ay hindi pa deretsahang nagbibigay ng pahayag si Jolina patungkol sa hiwalayan ngunit iginiit ng ama ni Jolina na may basbas ang kanyang anak sa kanyang pag kumpirma sa balita.