Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Kahit isang taon igina­rahe si Juday at hindi napanood sa nurserye niyang one year na in the making -- naging reyna si Juday ng mga commercial.
Pinakamaraming commercials si Juday na nakasuporta sa mga programa ng GMA network at ABS-CBN.

Halos nagkakasabay pa ang labas ng commercials ni Juday sa dala­wang network. And ‘yang tumatakbo ang Fitrum niya, sa kabila naman ang Pride soap niya -- then Maggi Magic Sarap, Lactasyd, Pantene.

Nagpapaligsahan ang Fitrum at Pantene sa dami ng exposures sa dalawang network.
Kung kelan palipad uli si Juday for Hollywood ay saka inaapurang magteyping ito.
Nu’ng hindi paalis si Juday, naka-relax lang ang staff and crew ng Habang May Buhay na ngayon ay may bago na namang direktor in Wenn Deramas.

Kasi, magtatapos na ang Dyosa at walang assignment si Wenn kaya sa kanya ibinigay ni Enrico Santos ang nurserye ni Juday na nagsimulang Habang May Buhay, naging Humingi Ako Sa Langit (ng mga bagong direktor kaya?) at ibinalik sa Habang May Buhay.
Enero 2008 nang mag-roll sa San Francisco ang nurserye cameras under Direk Mark Meily (of Baler) na pinalitan si Jeffrey Jeturian as original director.

Pagbalik ng pilipinas, si Jerry Sineneng na ang direktor with Andoy Ranay. And now, si Wenn naman.
Kelan kaya magte-takeover naman si Rory Quintos na dating direktor ni Juday sa past tele­seryes niya?


source: Alfie Lorenzo, Abante