Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Kumalat ang tsismis kamakailan na babalik na daw ng GMA 7 si Toni Gonzaga. Ilang linggo na rin kasing walang project si Toni. Matagal din si Toni na nagbakasyon sa Amerika.

Kaya naman ngayong nagbalik na siya ng bansa, sinagot na niya ang mga nasabing intriga.
Agad naman nilinaw ng aktress at na hindi siya lilipat ng istasyon.

Dagdag pa niya, marami daw projects na naka line-up sa kanya gaya ng bagong pelikula.
May isa pang tsismis na kumalat na nagkakalabuan sila ng kanya boyfriend na si Direk Paul.

Hindi rin daw totoo ang mga balita at okay naman daw sila ng kanyang boyfriend.
Ang pinakahuling proyekto ni Toni ay ang pelikula nito kasama si Vhong Navarro na My Only U.