Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Bukas ang first presscon ng pelikulang When I Met U nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.
Gusto nina Mother Lily Monteverde (Regal Entertainment, Inc.) at Annette Gozon-Abrogar na bongga ang first presscon ng When I Met U, kaya bago magsimula ‘yon, may red carpet event sa harapan ng Imperial Palace Suites (Tomas Morato Ave. corner Timog Ave., Quezon City) sa ganap na 7:30 PM kung saan ay welcome na pumunta at maki-join ang fans nina Richard at KC.
Parehong excited ang mga taga-Regal Entertainment at GMA Films sa When I Met U dahil sob­rang kilig ng pelikula.
Kailangang itodo ang promotions ng pelikula dahil malamang na ito na ang last movie together nina Richard at KC (kung masusundan man, baka ilang taon pa ang bibilangin).
Sa kuwento sa akin ni Joel Abacan (GMA Films executive), tinawagan niya noong isang araw si KC (nasa shooting ito ng pelikula sa Subic) at pinakausap sa kanya ng dalaga si Richard.
“Palagi silang magkatabi sa set ng shooting nila. Sweet na sweet sila nang minsang abutan ko sa set.
“Minsan, natutulog pa si KC at nakasandal kay Richard kaya hindi tuloy makakilos si Richard at baka magising si KC,” kuwento ni Joel sa akin.
Anyway, sa Linggo na ang alis nina Richard at KC papuntang Coron, Pa­lawan para sa shooting ng When I Met U.
***

source: Jun Lalin - Abante Tonite