Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
May duda ang ilang kakilala ni Ruffa Gutierrez na kinukulam siya.
These past few days ay naloloka si Ruffa dahil basta na lang siya nagkakaroon ng kalmot sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Noong una, akala ni Ruffa ay rashes lang ‘yon at baka may insektong namamahay sa kanyang kuwarto, pero napansin niya na kahit saang lugar, big­la na lang siyang nagkakaroon ng mga kalmot.
Noong isang araw na nag-taping si Ruffa para sa Boy & Kris, naloka na lang siya nang punumpuno na naman siya ng mga kalmot, kaya tinanong na niya ako kung may kilala ba akong albularyo para mapatawas siya.
If ever na kinukulam si Ruffa, sino kaya ang may kagagawan nu’n?
Anyway, sa taping pa rin ng Boy & Kris, natuwa si Ruffa nang makumpleto uli sila nina Kris Aquino at Boy Abunda.
Na-miss kasi nila ni Kuya Boy si Kris noong Sunday sa The Buzz.
Hindi nakarating si Kris dahil nasa ibang bansa ito, kaya may mga nag-isip na baka uma­lis na sa The Buzz si Kris at pinalitan na ito ni Ai Ai de las Alas.
Biniro pa ni Kris si Ruffa ng, “Na-miss mo ba ako?!”
I’m sure, biniro ni Kris ng ganoon si Ruffa dahil may mga pilit na nang-iintriga sa kanilang dala­wa.

Today ipalala­bas sa Boy & Kris ang guesting ni Ruffa.

souce: Jun Lalin, Abante