Going Once, Going Twice!
Sosyal yung last reward Challenge ng Survivor Philippines.. Nag bidding moment talaga sila diba? Lakas umeksena.
Ang mechanics nung RC eh patagalan sa ilalim ng tubig tapos every second is converted into cash para maging pambayad sa bids na nakakatawa at nakakaloka kasi andaming twist and turns. Pinaka napansin ko talaga yung si Vern. Pinagpalit yung toothbrush para sa isang unrevealed item.. guess what? isang kalahating mansanas ang pinalit sa toothbrush na take note! may kasama pang toothpaste. Super sayang dabah? Heheh.
OK, connect naman tayo sa title ng blog post na ito. Ano ba ang aftershock ng reward na nakuha ni JC?
Sa mga hindi nakapanood, Ang reward ni JC ay ang out of the island cruise.. Pasyal pasyal sa labas ng isla ang eksena! Ang catch dun, pwede magsama si JC ng 3 tribemates to Join Him, so meaning, apat sila na mag a out of the island.. Ang pinili nya eh sina Nanay Zita, Rob and Kiko..
Saya saya siyempre ng mga napili diba?
Pero may bad side yan as we can all see… How about Kaye and Cris??
OMG…
Kahit sino, ilagay nyo sarili nyo kay Kaye or kay Cris, sasama loob ninyo diba? Hmm.. depende parin sa kanila, but im going for the major reaction which is yun nga, magkakaroon sila ng hard feelings toward JC and syempre, jealousy with the tribemates nila na napili ni JC na sumama…
Sa Pangyayari kayang ito, maka hatak na kaya si Marlon ng mga bagong kakampi? at sino yung tinutukoy sa mga TV plugs na mag tra traydor??
Hmm…
Siya nga pala, napansin ninyo na iba na format ng BVI, V-Blog style na siya diba?
wala lang, nakikiuso, sarap sa mata, parang nagkukwento lang ako diba? Hehehe…
React kayo kung gusto ninyo siya or yung dating format parin ok?
Sige, hanggang dito na lang, continue watching BVI and SP siyempre..
At salamat sa pagbabasa… tahtah!♥






